Connect with us

Bawas singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco sa Hulyo

Magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan ng Setyembre. Batay sa anunsyo ng Meralco

National News

Bawas singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco sa Hulyo

Bababa ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco, nasa ₱0.71 per kilowatt hour ang bawas-singil sa kuryente ngayong buwan.

Paliwanag ni Zaldarriaga, tumaas ang generation charge pero natapalan naman ito ng mahigit ₱21 billion na refund order ng Energy Regulatory Commission.

Dahil dito, aabot sa ₱142 ang mababawas sa mga residential consumers na may 200 kWh na kosumo kada buwan sa kanilang July billing.

₱213 ang bawas-singil naman para sa mga gumagamit ng 300 kWh; ₱284 sa mga komukunsumo ng 400 kWh at ₱355 kung 500 kWh.

More in National News

Latest News

To Top