National News
Bawat rehiyon sa bansa, dapat magkaroon ng hospital- Sen. Go
Dapat magkaroon ng super hospital ang bawat rehiyon sa bansa.
Ayon kay Sen. Bong Go, nararapat lang na magtayo ng ospital ang pamahalaan bilang leksyon mula sa pandemya.
Kung mamuhunan umano ang bansa para sa healthcare system, mas maganda dahil isa itong hakbang bilang pagiging proactive.
Kasunod nito ay ipinanawagan na rin ni Sen. Go ang pagpapaganda ng public hospitals.
Kasama na rin dito ang pagkakaroon ng sapat na pondo para sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang RITM ay ang main research arm ng Department of Health (DOH) para sa kontrol at pagpigil ng infectious at tropical disease gaya ng COVID-19.
Si Sen. Go ay ang chairman ng Senate Committee on Health and Demography.
