Connect with us

BBM at Inday Sara, magiging epektibo sa kani-kanilang ahensyang hahawakan – Rep. Biazon

BBM at Inday Sara, magiging epektibo sa kani-kanilang ahensyang hahawakan – Rep. Biazon

National News

BBM at Inday Sara, magiging epektibo sa kani-kanilang ahensyang hahawakan – Rep. Biazon

Magiging epektibo sina President-elect Bongbong Marcos at Vice President-elect Inday Sara Duterte sa kani-kanilang ahensya na hahawakan.

Ito ang paniniwala ni Muntinlupa City Mayor-Elect Cong. Ruffy Biazon sa panayam ng Sonshine Radio matapos ihayag ni PBBM na hahawakan nito ang Department of Agriculture (DA) habang ang Department of Education (DepEd) naman ang pamumunuan ni VP-elect Inday Sara.

Ayon kay Biazon, mainam na mismong ang pangulo ng bansa ang tututok sa agrikultura lalo na ngayong may krisis na bukod pa sa maiiwasan ang burukrasya.

“Having been local Chief Executive. Alam mo ‘yung local Chief executive, ‘yan din ang namumuno sa local school board sa kanyang lugar and Davao City is the major city in the country so I think it’s reflective na rin. ‘Yung exposure niya doon, is reflective of what is being felt all-over the country. So, I have confidence that the Vice President can perform the function. Well, naghahanap pa siya ng permanent na trabaho diyan, and in the mean time, lumalapit na ‘yung July 1. So, kinakailangan talaga, umaandar tayo, pagpasok ng July 1. I think, that’s the reason why, he took his taking on the role. And, to give more impetus doon sa sa bureaucracy na kumilos,” ani Biazon.

Hinggil naman sa suhestiyon ni VP sara na ibalik at gawing mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), sinabi ni Biazon na malaking kapakinabangan ito para sa mga kabataan.

Marami aniyang matututunan sa programang ito na tiyak na ikabubuti ng isang mag-aaral.

Binigyang-diin ni Biazon na maganda nga kung matutukan ang pagpapatakbo ng programang ito para maiwasan ang pang-aabuso na posibleng mangyayari dito.

More in National News

Latest News

To Top