Connect with us

BBM dadalo sa The Deep Probe, SMNI Presidential Interview; 4 na kandidato, umatras

BBM dadalo sa The Deep Probe, SMNI Presidential Interview; 4 na kandidato, umatras

National News

BBM dadalo sa The Deep Probe, SMNI Presidential Interview; 4 na kandidato, umatras

Buong ipinagmamalaki ng ibang mga kandidato sa pagkapangulo na matapang silang dadalo sa saan mang debate o presidential interviews para mapatunayan na karapat-dapat sila sa posisyon.

Ngunit kung gaano ang kanilang tapang sa kanilang mga pahayag ay tila ganoon din ang pagkabahag ng kanilang buntot nang hinamon sila na dumalo sa platform o issue based na interviews ng SMNI.

Palabra de honor o word of honor ay katumbas ng ‘may isang salita.’ ibig sabihin, ito ay pagtupad sa pangako o sinabi.

Isang kaugalian nating mga Pilipino ang manalig sa salita o pangako ng ating kapuwa, gayundin ang pagtupad nito.

Muling nasubukan ang ilan sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo kung sila ba ay mayroong tinatawag na palabra de honor o word of honor.

Ito ay kasunod na rin ng ikinasang presidential interviews ng SMNI sa darating na Sabado, Marso 26.

No description available.

Matatandaan na una nang iginiit ni Senador Manny Pacquiao na ang kahalagahan ng debate na aniya’y nagpapakita ng sinseridad ng taong tumatakbo.

No description available.

Dapat anyang siputin ito para malaman ng taumbayan ang tunay na hangarin at layunin ng isang kandidato para sa bansa.

Sa Senador Ping Lacson sa kanyang panig ay una nang inihayag ang kahalagahan din ng debate kasa lebel ang playing field.

Walang tutor, at walang script.

Dapat din aniyang magkaroon ng maraming debate na face to face at lahat ay present.

No description available.

Para naman kay sa mga debate magkakaroon ng pagkakataon na marinig ang kanilang mga plano. Isa aniyang sangkap sa leadership maliban sa karakter ay ang pagharap sa panahon ng kagipitan.

Sinabi naman ni Mayor Isko Moreno na ang mga nanonood sa debate ang parang human resource department at ang mga kandidato ang nag-aaplay sa trabaho.

Aniya gugustuhin ba ng mga mag-hahire ang isang empleyado na hindi nakausap o nakita at hindi nalaman ang kanyang karanasan.

Pero ang apat na kandidato na ito ang mga tanging hindi kumasa sa hamon ng “The Deep Probe: The SMNI Presidential Candidate’s Interview” sa Marso 26 na gaganapin sa Okada Manila.

No description available.

Dito ay masasabing hindi napangatawanan ng mga ito ang kanilang mabulaklaking pahayag kaugnay sa pagiging present sa mga debate o presidential interviews.

Ang naturang apat ay hindi rin sumipot sa pinakaunang presidential debate ngayong taon na inorganisa ng SMNI noong Pebrero 15.

Bago pa noong SMNI Presidential Debate na ‘yon ay ipinagyabang pa ni Pacquiao na dapat face to face o personal o harapan ang debate para daw magkaalaman.

Sa huli nga ay hindi tinanggap ang hamon at nag-alibi pa na umano’y may kinakaharap na kaso si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang honorary chairman ng SMNI, na wala namang kinalaman sa magiging laman ng debate.

Si Lacson din ay nagpahayag na handa sila ni Senate President Tito Sotto na humarap sa anumang forum pero kalaunan ay tila kinain din ang salita matapos i-rason na umanoy ay may sinusuportahan nang kandidato si Pastor Apollo na muli ay wala namang kinalaman sa debate.

Una na ring iginiit ng isa sa mga panelista ng SMNI Debates na si Prof. Clarita Carlos na walang advance questions sa kanino mang kandidato na lalahok at magiging pantay-pantay ang pagtatanong sa lahat.

Ang campaign strategist naman ni Mayor Isko na si Lito Banayo ay nangutya pa sa SMNI kung may nanonood ba rito at kung major outlet ba, kaya hindi nila nagging priority ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Banayo matapos ang hindi rin pagsipot ni Yorme sa SMNI debate.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 2.5 million views ang nagenerate ng SMNI Presidential Debate sa Facebook habang 3.2 million views naman sa youtube. Hindi pa kasali rito ang mga nanood sa SMNI Tv at mga nakinig sa mga Sonshine Radio Station sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Maliban dito ay humakot din ng million views sa Facebook at Youtube ang magkasunod na SMNI Senatorial Debates noong March 2 at 3.

Samantala, ang mga nagpahayag na ng kumpirmasyon sa pagdalo sa The Deep Probe: The SMNI Presidential Interviews ay sina dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Dr. Jose Montemayor Jr., Faisal Mangondato, ang Labor Leader na si Ka Leody de Guzman at dating Senador Bongbong Marcos.

Nitong linggo lang nang muling inimbitahan ni Pastor Apollo ang mga kandidato sa pagka-pangulo na sumalang sa presidential interviews ng SMNI na The Deep Probe.

Ayon pa sa butihing pastor napaka-exciting ang mangyayari sa darating na Sabado.

Dito aniya masusukat nang husto ang kakayanan at talino ng mga kandidato na haharap sa mga batikang panelista.

Matatandaang una nang sinabi ni Bongbong Marcos na dadalo lamang siya sa mga debate o presidential interviews kung ito ay platform based o kung ano ang kanilang mga plano para sa bansa. Pagod na aniya siyang sumagot sa mga kontrobersiya na paulit-ulit lang namang tinatanong at sinasagot niya sa mga nakalipas.

Admar Vilando

More in National News

Latest News

To Top