Connect with us

BBM, dapat palakasin ang laban kontra kriminalidad – Belgica

BBM, dapat palakasin ang laban kontra kriminalidad – Belgica

National News

BBM, dapat palakasin ang laban kontra kriminalidad – Belgica

Palakasin kung ano ang sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na laban kontra kriminalidad.

Ayon kay dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica sa panayam ng Sonshine Radio, mahirap umunlad ang isang bansa kung malala ang droga at korupsyon.

Dahil dito, aniya, dapat tutukan ito ng susunod na administrasyon.

Ipinaalala naman ni Belgica sa taumbayan na magkaisa ang buong bansa at suportahan si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Kapag magkaisa aniya, mas mapapadali ang trabaho at mas magtatagumpay ang BBM admin.

Sa kabilang banda, sinabi ni Belgica na magandang maibalik ang death penalty sa mga korap na opisyal.

Napakarami na aniya ang humihingi na ibalik ang parusang ito.

More in National News

Latest News

To Top