Connect with us

BBM, hindi natitinag sa disqualification cases laban sa kanya

Senador na umano’y nakikialam sa DQ case ni BBM, tukoy na ni SP Sotto

National News

BBM, hindi natitinag sa disqualification cases laban sa kanya

“Normal na ang binabakbakan ay kung sino ang nangunguna sa karera.”

Ito ang reaksyon ni Presidential Aspirant “Bongbong” Marcos sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa mga disqualification case na inihain laban sa kanya.

May be an image of 1 person and text that says 'EXCLUSIVE USAPING BAYNN 01-05-22 HANGGANG ENERO 15 LIVE FERDINAND BONGBONG' MARCOS, JR. PRESIDENTIAL ASPIRANT PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS 'NO VAX, NO RIDE' POLICY NG METRO MANILA SMNI'

Binigyang-diin ni Marcos na hindi ikinaganda ng buhay ng Pilipino ang pagmumura ng mga kalaban sa kanya.

Kaugnay nito, ang tao na patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya ang siyang naging lakas naman niya para harapin ang mga paratang na ito.

Aniya, sa kabila ng 40 paninira ng iba sa pamilya Marcos, lumilitaw ngayon kung ano talaga ang pag-iisip ng mga Pilipino.

Sa mga election survey na isinasagawa, ang tandem ni Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang palaging nangunguna.

Samantala, ayon kay Marcos, kailangan nang mai-upgrade ang mga disenyo ng evacuation centers sa bansa.

Nakita aniya ito na kakulangan nang mag-ikot ang Uniteam para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Sa ngayon naman bilang parte ng relief operations ng kaniyang kampo, construction materials na ang ipinapadala nila para sa mga nasalanta.

Ipinangangampanya na rin ni Marcos na magpabakuna na ang lahat laban sa COVID-19.

 

More in National News

Latest News

To Top