National News
BBM, nasa hawla na ng Amerika – geopolitical analyst
Nitong Martes, dumating sa bansa ang dalawang matataas na opisyal ng Amerika para sa 2+2 ministerial dialogue.
Ito ang unang pagkakataon na ang Pilipinas ang nag-host sa nasabing pagpupulong.
Tingin naman dito ng isang geopolitical analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy, ang mga ganitong hakbang ng Amerika ay paninigurado lamang na hindi magbabago ang Marcos administration sa maka-Amerikano nitong polisiya.
Ani malindog-Uy, “These are high-ranking and high-level officials of the United States. They’re visiting the Philippines every now and then. Why is that? Kasi gusto talaga i-secure ng United States na you will not change your foreign policy; that you will be on our side no matter what.”
Ayon pa kay Malindog-Uy, sa sitwasyon ngayon ni Pang. Bongbong Marcos Jr sa politika, kailangan nito ang Amerika, “He also needs the backing of the United States for him to survive politically in the Philippines, and even domestically, and he needs the backing of the United States to still have that kind of international image na sinususugan ng United States na he’s a good president.”
Hugot din ito ng geopolitical analyst sa interes ng mga Marcos sa Amerika kung saan mayroon itong higit 353 million dollars contempt order.
Nabanggit din ni Malindog-Uy na dalawa rin sa malalaking problema na hinaharap ngayon ni Marcos ay ang alegasyon ng malawakang korapsyon sa kanyang administrasyon at ang umano’y paggamit nito ng ilegal na droga – na hanggang ngayon naman ay hindi pa rin direktang sinasagot ni Marcos.
“That’s why if you expect BBM to turn around and have an independent foreign policy out of the blue. That is not expected anytime soon.”
Matatandaan na sa liderato ni Bongbong Marcos Jr. pumihit ang bansa sa Amerika lalo na sa usapin sa South China Sea na malayo sa polisiya ng Duterte Administration.
Mas dumami rin ang EDCA sites sa bansa na ayon pa kay Malindog-Uy ay hudyat lang ng paggamit ng Amerika sa Pilipinas bilang bahagi ng Island chain strategy nito o ang konsepto ng military at political strategy para kanyang depensa.
Dagdag pa niya, “The only thing that I see for the Philippines to go back to independent foreign policy na pinush ng Duterte administration is for the Philippines to have a change in leadership.”
