National News
BBM-Sara Uniteam, number 1 pa rin sa pinakahuling survey ng Publicus Asia
Sa pinakahuling survey ng Publicus Asia, number 1 pa rin ang tambalang Bongbong at Sara.
Malayong-malayo dito ang ibang kandidato lalo na ang Leni-Kiko tandem nina VP Robredo at Senator Pangilinan.
At ngayong patuloy pa ang campaign period, pangako ng Mayora na ipagpapatuloy ang mga nasimulan ni Pangulong Duterte.
Partikular na ang kampanya kontra krimen.
‘Ang sa atin is itutuloy natin yung mga nasimulan ni Pangulong Duterte. Nakita natin na sa kanyang administrasyon, bumaba talaga yung crime rate sa buong Pilipinas. At ang gagawin natin is kung ano yung ginawa natin sa davao city i-emphasize natin sa ating law enforcement agencies, particularly sa ating mga kapulisan sa Philippine National Police natin, na ang una-unang trabaho nila ay ang pantay-pantay na enforcement ng ating batas,’ paglalahad ni Inday Sara.
Tiniyak din ni Mayor Sara na magpapatuloy ang mga naglalakihang infrastructure projects sa ilalim ng Build-Build-Build program ni Pangulong Duterte.