Connect with us

Benepisyo ng mga atleta mula training hanggang retirement, pinag-aaralan ng PBA Party-list

Benepisyo ng mga atleta mula training hanggang retirement, pinag-aaralan ng PBA Party-list

National News

Benepisyo ng mga atleta mula training hanggang retirement, pinag-aaralan ng PBA Party-list

Pinag-aaralan ng Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list ang pagbibigay ng benepisyo sa mga atleta mula sa kanilang training hanggang retirement.

Ito ang ibinahagi ni PBA Party-list Representative Atty. Margarita Ignacia Nograles sa panayam ng Sonshine Radio

“Isa sa mga inaaral ko po ngayon na sana po mabigyan ng benefits ‘yung ating mga athletes, hindi lang from where they are training, pati po pag-retire po nila pagkatapos po ng kanilang height ng kanilang career, magkaroon din po sila ng mga retirement benefits. Dahil sila ‘yung mga bayani din po natin, patulyo pa rin ang pagsuporta sa kanila after nila nag-wagi sa mga competitions po natin,” ani Atty. Margarita.

Sinabi ni Nograles na isa lang ito sa kanilang pinag-aaralan mula sa maraming panukalang maisabatas para sa kapakanan ng mga atletang Pinoy.

Ibinahagi rin ni Nograles na ang mga atletang Pilipino ay may malaking potensyal sa larangan ng track-and-field

Dahil dito, ninanais ng PBA Party-list na mabigyang-pansin ang naturang laro at magkaroon ito ng national training center.

Ngunit nilinaw naman ni Nograles na hindi lang ang track and field kundi lahat ng sports ng bansa ay kailangang ma-develop lalo na kung may mga atletang potensyal sa iba’t ibang larangan. 

Ito ay para na rin maiwasan ang diskriminasyon sa mga talento ng mga Pilipino.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top