Connect with us

Benepisyo ng rescue at fire volunteers, isusulong sa Kongreso

Benepisyo ng rescue at fire volunteers, isusulong sa Kongreso

National News

Benepisyo ng rescue at fire volunteers, isusulong sa Kongreso

Parating nasa hukay ang isang paa ng rescue at fire volunteers sa panahon ng emergency.

Ngayon pa ay napapadalas ang pagtama ng malalakas na bagyo sa bansa at sila ang frontliners sa rescue operations.

Sa panayam sa SMNI News, nilinaw ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party-list ang ilang misconceptions sa sektor.

Ayon sa grupo, walang sahod ang fire at rescue volunteers, taliwas sa akala ng karamihan na may kita dito.

Sa pahayag ng kanilang first nominee na si Astra Pimentel-Naik, “Karamihan sa ating mga volunteers ay may day job. Ngayon, ginagawa nila, kapag merong sunog at nagkaroon ng call for them to respond, umaalis sila sa kanilang mga trabaho para magresponde sa mga sunog at mga kalamidad. Wala po silang sweldo.”

Bayanihan lamang ang nais ng mga ito ayon kay Pimentel-Naik na dating Undersecretary ng Department of Energy (DOE).

Subalit kahit volunteerism lang ang meron, obligasyon pa rin ng gobyerno ang kapakanan ng mga ito.

Number 1 sa hiling ng fire at rescue volunteers ay ang death at hospital benefits oras na may mangyaring masama sa kanila sa gitna ng pagresponde.

Ayon pa kay Pimentel-Naik, ito ang pangunahing isusulong ng ABP Party-list sa Kongreso maging ang pagkakaroon ng provident fund para sa fire volunteers.

Sa ngayon, nasa 800K ang fire at rescue volunteers sa buong Pilipinas na on-call tuwing may emergency pero wala pang batas ang nagbibigay proteksyon sa civilian volunteers.

More in National News

Latest News

To Top