National News
Bentahan ng hospital pass sa Bilibid, ibinulgar ni Sen. Bong Go
IBINULGAR ni Sen. Bong Go na hindi lamang ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang ibinebenta para sa kalayaan ng mga heinous crime convicts kundi maging ang hospital pass sa mga big time inmates sa New Bilibid Prison o NBP na nagpapanggap na may sakit.
Ginawa ni Go ang pagbubunyag matapos siyang bumisita sa NBP compound para inspeksyunin ang kalagayan ng mga bilanggo.
Sinabi ni Go na nakatanggap siya ng report na may ilang inmates na madalas na naililipat sa New Bilibid Prison Hospital na nagpapanggap na may malubhang karamdaman sa pamamagitan ng “hospital referral pass” na ibinebenta ng mga tiwaling BuCor employees.
Ayon sa Senado, madalas na suki ng hospital referral pass ang mga bigating preso na sangkot sa iligal na droga.
Nais din alamin ng senador kung totoo ang report na ang ospital sa Bilibid ay ginagawang lugar para sa transaksyon ng iligal na droga kung saan labas-pasok dito ang mga drug lords kahit wala namang sakit.