Connect with us

Bersyon ng Kamara sa 2019 proposed national budget, binawi na

National News

Bersyon ng Kamara sa 2019 proposed national budget, binawi na

Iginiit ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na walang iligal sa 2019 proposed national budget.

Kinontra ni Arroyo ang mga pahayag ng ilang senador na ang budget bill na inaprubahan ng kamara at na-transmit sa Senado ay iligal.

Sinabi nito na hindi hahayaan ng mga kongresista na lumagda ang pangulo sa isang unconstitutional bill.

Nilinaw ni Arroyo na parehong proseso lamang ang ginawa rito bago siya naging speaker at simula noong ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang lump sums.

Dahil aniya rito ay hindi sila maaaring sumang-ayon sa lump sum allocation.

Una nang sinabi nina Senate President Tito Sotto at Senador Panfilo Lacson na iligal ang 2019 budget bill dahil sa pag-itemize ng lump sums matapos ang ratipikasyon ng Bicameral Conference Committee report.

Kaugnay nito, iuurong na ng Kamara ang enrolled copy ng 2019 General Appropriations Bill (GAB) na sinasabing tadtad ng realignment.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mismong si san Juan City Representative Ronaldo Zamora ang tumawag sa kanya at sinabi na pumayag na ang Kamara na bawiin ang kanilang bersyon ng 2019 proposed national budget.

Una nang kinuwestiyon ang enrolled copy ng GAB dahil sa isyu ng post-bicam realignment.

 

DZARNews

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top