Connect with us

Beteranong sundalong Amerikano, kinasuhan dahil sa pagtatanim ng bomba sa White Nationalist Rally

Beteranong sundalong Amerikano

International News

Beteranong sundalong Amerikano, kinasuhan dahil sa pagtatanim ng bomba sa White Nationalist Rally

Kinasuhan ng U.S. District Court sa Los Angeles, California ang isang beteranong sundalong Amerikano.

Ito ay dahil sa pagtatanim ng bomba sa White Nationalist Rally sa L.A.

Nadakip ang 26 na taong gulang na si Mark Steven Domingo, isang U.S. Army Infantryman sa sting operations ng FBI.

Narekober ng mga tauhan ng FBI kay Domingo ang ilang live bombs na gagamitin sa pag-atake.

Ayon sa mga otoridad, walang criminal record ang nasabing sundalo na sumabak noon sa digmaan sa Afghanistan.

Kinasuhan si Domingo dahil sa pagbibigay ng material support sa mga terorista at wala itong piyansa.

 

DZARNews

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top