National News
BI, hinimok na mag-presenta ng ebidensiya vs. alegasyon sa Chinese students
Hinimok ngayon ni Senador Chiz Escudero ang Bureau of Immigration (BI) na paigtingin ang kanilang pagsusuri at magbigay ng konkretong ebidensiya sa mga alegasyon laban sa Chinese students sa bansa.
Tulad na lamang ang sinasabing ilan sa mga ito ay espiya.
Ayon kay Sen. Escudero, walang dapat ipangamba hangga’t wala pang sapat na katibayan o ebidensiya.
Aniya pa, hindi rin dapat maging batayan ang pagkakaroon ng base ng China sa West Philippine Sea (WPS) para sabihin na espiya ang mga Chinese students.
Kinuwestyon pa ni Sen. Escudero ang BI kung bakit pinapasok ang mga ito sa bansa kung talagang walang patunay na mag-aaral lang sila.
Inihalintulad pa nito sa suliranin ukol sa dami ng mga Tsinong na-uugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), kinuwestyon din ng senador ang BI kung bakit nila ito pinapasok at may kumikita ba sa mga ito.
