Connect with us

BI, maaaring i-deport ang mga dayuhan na hindi susunod sa mga ECQ protocols

National News

BI, maaaring i-deport ang mga dayuhan na hindi susunod sa mga ECQ protocols

Inihayag ng Bureau of Immigration na hindi exempted ang mga banyaga na nasa bansa sa ipinatutupad na enhanced community quarantine protocols.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, maaaring ma-aresto o kaya ay makulong ang mga dayuhan na hindi susunod sa mga protocol sa isilalim ng ECQ.

Dagdag pa ni Morente, ang mga patakaran ng ECQ ay para sa kaligtasan ng publiko kalakip na ang mga dayuhan na nasa bansa.

Dagdag pa nito, nakasaad sa Section 6 na Bayanihan To Heal As One Act na maaaring i-deport ang mga lumalabag ng mga dayuhan at hindi na papayagang makabalik pa ng bansa.

Ang paalalang ito ay kasunod na rin sa isang insidente sa Makati na kinasangkutan ng isang foreigner national na tumangging magpaatrsyo dahil sa ilang paglabag.

More in National News

Latest News

To Top