National News
BI, pinayuhan ang mga Pinoy na nais magtrabaho sa Lebanon
Mahigpit ang paalala ng Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Lebanon na mag-iingat sa ina-aplayang trabaho sa naturang bansa.
Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na huwag maniniwala sa mga trabahong nag-aalok ng malaking suweldo na ikapapahamak ng mga aplikante lalo na at iligal ang mga proseso.
Pinaalala ni Tansingco na huwag tanggapin ang anumang job offers sa Lebanon dahil sa matinding panganib sa kanilang kaligtasan at pagkatao, ang pinakamahalaga aniya ay ang kaligtasan.
Patuloy din aniya ang pagpapauwi o repatriation ng pamahalaan sa mga Pilipino na nasa Lebanon na ayon sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay may 273 distressed Filipino ang napabalik na sa Pilipinas.
