Connect with us

Bicam para sa 2023 proposed national budget, sisimulan na

Bicam para sa 2023 proposed national budget, sisimulan na

National News

Bicam para sa 2023 proposed national budget, sisimulan na

Ngayong Biyernes na, Nobyembre 25, ang simula ng bicameral conference committee (BICAM) meeting ng Senado at Kamara para sa P5.268 trillion 2023 proposed national budget.

Sa impormasyon mula sa House Committee on Appropriations, gagawin ng dalawang kapulungan ang BICAM meeting sa Manila Polo Club sa Makati City.

Pangungunahan ni Appropriations Committee Chairman Zaldy Co ang mga taga Kamara para sa BICAM kasama sina:

– Appropriations Senior Vice Chairman Stella Quimbo

– Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto

– Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.

– House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe

– Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos

– Quezon Rep. David Suarez

– Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II

– Agusan del Norte Rep. Jose Aquino II

– Ako Bicol Rep. Raul Angelo Bongalon

– Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona

– Rizal Rep. Michael John Duavit

– House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan

– at Albay Rep. Edcel Lagman ng independent minority at Liberal Party.

Target ng dalawang kapulungan na mapapirmahan kay Pangulong Bongbong Marcos ang pinaka-unang national budget ng kanyang administrasyon bago matapos ang taong 2023.

More in National News

Latest News

To Top