Connect with us

Bicam report para sa teaching allowance ng mga public school teachers, niratipikahan na ng Senado

Bicam report para sa teaching allowance ng mga public school teachers, niratipikahan na ng Senado

National News

Bicam report para sa teaching allowance ng mga public school teachers, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan ng Senado ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ang teaching allowance ng mga public school teachers sa buong bansa.

Sa bicameral conference committee report, isinaalang-alang dito ang magkaibang bersyon ng Senado at Kamara sa Senate Bill No 1964 at House Bill No. 9682 o Kabalikat sa Pagtuturo Act.

Sa panukalang isinulong ni Senador Ramon Revilla Jr., Chairman ng Committee on Civil Service Government Recognition and Professional Regulation mula sa P5-K ay gagawing P10-K ang matatanggap na chalk allowance ng mga guro.

Sa ginawang ratipikasyon naging saksi dito ang mga kinatawan ng Department of Education DepEd, Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers), Teachers Dignity Coalition at Philippine Public School Teachers Association.

Kaugnay nito labis naman ang pasasalamat ng grupo kay Senador Revilla na ngayon ay maituturing nang kampyon ng mga guro.

More in National News

Latest News

To Top