Connect with us

Bigas at inuming tubig, ipinamahagi sa ilang isla sa Mactan, Cebu

Bigas at inuming tubig, ipinamahagi sa ilang isla sa Mactan, Cebu

National News

Bigas at inuming tubig, ipinamahagi sa ilang isla sa Mactan, Cebu

Namahagi ang Naval Forces Central ng inuming tubig at bigas sa mga residente ng Caohagan at Pandanon Islands sa Mactan, Cebu na naapektuhan ng bagyong Odette.

Ito ay sa pamamagitan ng mga asset ng Naval Task Force 50 na Patrol Boats 356 at 358 sa ilalim ng 5th Patrol Boat Division.

Ayon kay Lieutenant Junior Grade Frances Maye Macapinig, public affairs officer ng Naval Forces Central, kabuuang 1,200 litro ng tubig at 150 kilo ng bigas na donasyon ng mga partner stakeholder ang ipinamahagi sa mga apektadong residente.

Sa munting handog aniya matutulungan na ang mga apektadong residente na makabagong sa gitna ng pananalasa ng bagyo sa loob ng kanilang komunidad

More in National News

Latest News

To Top