Connect with us

“Bigas kapalit ng basura” ng Muntinlupa, umarangkada na

"Bigas kapalit ng basura" ng Muntinlupa, umarangkada na

Metro News

“Bigas kapalit ng basura” ng Muntinlupa, umarangkada na

Nagsimula nang umarangkada ang ‘Bigas sa Basura’ program sa ilang barangay sa lungsod ng Muntinlupa ngayong araw, ika-22 ng Setyembre.

Ayon sa Muntinlupa Public Information Officer, nagsimula nang iimplementa ang naturang programa sa Brgy. Sucat at Brgy. Bayanan.

Hinikayat ng Local Government Unit (LGU) ang mga residente na dalhin ang makokolektang residual wastes gaya ng plastic, sachet, at iba pa, kapalit ng bigas.

Kailangan lamang na malinis at tuyo ang mga ito.

Proyekto ito ng Pamahalaang Barangay ng Sucat at Bayanan kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng Environmental Sanitation Center (ESC) at Muntinlupa Gender and Development (GAD) Office.

Pahayag pa ng Muntinlupa PIO, pangunahing prayoridad din sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Ruffy Biazon ang proteksyon at pangangalaga ng likas na yaman at kapaligiran.

More in Metro News

Latest News

To Top