National News
Bigtime oil price hike, asahan ngayong linggo
MAY inaasahang bigtime oil price hike ang ipatutupad ng mga kompanya ng langis bukas.
Inaasahang sasabayan din ng implementasyon ng ikalawang bugso ng excise tax sa ilalim ng Train Law.
Sa pagtaya ng Department of Energy, may dagdag-presyo na P2.20 hanggang P2.30 sa kada litro ng diesel.
At P1.40 hanggang P1.50 sa kada litro ng gasolina.
Habang P1.80 hanggang P1.90 naman ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Posibleng sumabay din ang P1.00 hanggang P2.00 sa kada litro na excise tax na pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang oil price hike ay epekto pa rin ng pagtaas ng presyo ng krudo sa world market.