Metro News
Biktima ng isa pang road rage insidente, nagpanggap na miyembro ng PA
Itinanggi mismo ng pamunuan ng Philippine Army (PA) na naging miyembro nila ang isang Angelito Rencio na biktima ng isang pang road rage incident sa Makati City.
Sa isang viral video, makikitang nakaalitan nito ang isang police sergeant at dito nakilala na isa itong army batay sa identification card na nakuha sa kanya.
Nang kumpirmahin, mariing itinanggi ng Philippine Army na may naka-database silang Rencio maging sa roster ng army reservists kaya’t malinaw anila na ginagamit lamang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dito.
Kaugnay rito, inutos na rin ni Interior Secretary Benhur Abalos ang paghuli kay Rencio sa posibleng mga kinasasangkutan nitong aktibidad gamit ang pangalan ng AFP.
