Connect with us

Bilang ng Chinese vessels sa WPS, bumaba – PN

Bilang ng Chinese vessels sa WPS, bumaba – PN

National News

Bilang ng Chinese vessels sa WPS, bumaba – PN

Buwan ng Abril nadiskubre ng Philippine Navy ang biglang pagtaas sa bilang ng mga Chinese maritime militia vessels sa West Philippine Sea (WPS) ilang linggo bago ang Balikatan Exercise 2024.

Base sa tala ng Philippine Navy, umabot sa mahigit 100 Chinese vessels ang namataan sa disputed area.

Sa nasabing bilang, nasa 110 ang Chinese maritime militia vessels, 11 ang Chinese Coast Guard (CCG), at 3 naman ang Peoples Liberation Army-Navy ships.

Mula May 14 hanggang May 20, nasa 153 na barko ng China ang namataan sa WPS.

Sa nasabing bilang, 15 ang CCG, 7 ang Peoples Liberation Army-Navy ships habang nasa mahigit 100 namang Chinese maritime militia vessels ang nasa Bajo de Masinloc.

Habang noong Mayo 21 hanggang 27, bumaba sa 122 ang barko ng China.

Sa nasabing bilang, 15 CCG, 5 Peoples Liberation Army-Navy ships at 102 ang Chinese maritime militia vessels.

Sinabi ni Commodore Roy Vincent Trinidad Philippine Navy Spokesperson for WPS, na ang pagbaba ng bilang ng barko ng China ay pagkatapos ng ginawang civilian convoy sa Bajo de Masinloc.

“If you look at the overall picture from 153 the other week 122 and yesterday there was a drastic decrease also in the Bajo de Masinloc we could attribute this to the conduct of the Atin Ito caravan which coincided inspite of the numbers of the maritime militia and Chinese Coast Guard in the Bajo de Masinloc,” ayon kay PN, Spokesperson for WPS, Comm. Roy Vincent Trinidad.

Paliwanag ng opisyal, hindi sa lahat ng panahon ay maraming barko sa Bajo de Masinloc dahil depende raw ito sa aktibidad ng China.

“Actually, not in Taiwan, the numbers will depend on activities on the West Philippine Sea sometime there were numbers in Ayungin Shoal sometimes in Pag-asa others in Bajo de Masinloc and when they are not out there you’ll see a lot of them in Mischief Reef,” dagdag pa nito.

Kasunod nito, iginiit ng opisyal na lahat ng taktika ay gagawin ng China para makuha ang kontrol sa WPS.

“Law fair is one of the instruments in their cookbook the ultimate objective of China is to seek control of the South China Sea they will use different instruments and their national power to assert that,” ani Trinidad.

More in National News

Latest News

To Top