National News
Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 1,000 na
Higit 1,000 na ang naitalang gumaling sa sa Pilipinas.
Sa 4pm bulletin ng Department of Health ngayong araw, Abril 29, umabot na 1, 023 ang bilang ng naka-recover kung saan nadagdagan ito ngayon ng 48 gumaling.
Nakapagtala naman ng 254 na nagpositibo dahilan upang umabot sa 8, 212 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Nasa 28 ang bilang ng naitalang nasawi sa nakalipas na magdamag.
Dahil dito nasa 558 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa.
Umaasa ang DOH na sa kabila ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19, ay tataas naman ang mga nakaka-recover mula dito.