International News
Bilang ng mga namatay dahil sa 2019-nCoV, umabot na sa 132
Umabot na sa 132 ang bilang ng mga namatay sa mula sa 5,974 na kumpirmadong kaso.
Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO country director, patuloy ang monitoring ng mga health authorities sa outbreak kaya’t naaabisuhan ang Pilipinas kung ano ang mga dapat na gawin.
Sa ngayon, kumpirmado nang nakapasok ang coronavirus sa Japan, Korea, Vietnam, Singapore, Australia, Malaysia, Thailand, Nepal, US, Canada at France.
Kasabay nito, naglabas ng travel warning ang Estados Unidos at Canada sa pagpunta sa China dahil sa tumataas na bilang ng namamatay sa nCoV.
Simula nitong Lunes ng gabi ay sinuspinde na ang direct flights mula sa Wuhan, China papunta sa Kalibo International Airport.
Sa ngayon, nananatiling nCoV free ang Aklan kahit tatlo sa 11 binabantayang dayuhan sa bansa na itinuturing na “persons under investigation” ay nasa Aklan Provincial Hospital pa rin.
