Connect with us

Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 14

Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 14

COVID-19 UPDATES

Bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 14

Umakyat na sa 14 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Batay sa bulletin na ipinalabas ng Department of Health (DOH), kabilang sa panibagong nasawi ay sina patient no. 126 at 129.

Si patient 126 ay isang 76 yrs. old na nakakaranas ng Acute Respiratory Distress Syndrome at Severe Pneumonia at nasawi nitong Martes ng tanghali.

Ang nasabing pasyente ay na-admit sa Manila Aventist Hospital noong March 9, 2020 at naging positibo sa COVID-19 noong March 15.

Isang 67 yrs. old naman si patient 129 na may acute Respiratory Distress Syndrome Secondary to COVID-19 at Community-Acquired Pneumonia.

Maliban dito, mayroon din itong hypentension.

Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 187

Sa ngayon, umakyat na sa 187 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 45 panibagong kaso.

Sa naturang bilang, 4 dito ang nakarekober sa naturang sakit kabilang si patient 25 na kabilang sa inilikas mula sa Diamond Princess Cruise Ship sa Japan.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top