National News
Bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas, pumalo na sa 203
Pumalo na sa dalawangdaan at tatlo (203) ang bilang ng mga nasawi sa tigdas.
Base sa huling datos Ng Department Of Health (DOH), nasa labindalawang libo at pitong naraan (12,700) na ang kaso ng tigdas sa buong bansa mula Enero hanggang Pebrero a-bente tres.
Mas mataas ito kumpara sa mahigit dalawanlibo’t apat na raan (2,400) na kasong naitala noong taong 2017.
Sinabi ng DOH na mahigit kalahati ng mga namatay ay mga batang limang taong gulang pababa.
Patuloy naman ang paalala ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng bakuna kontra tigdas dahil sa patuloy na pagdami ng kaso.
DZARNews