International News
Bilang ng mga nasawi sa 2019-novel coronavirus, pumalo na sa 560
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi dahil sa (2019-nCoV) outbreak sa Wuhan, China.
Sa huling datos ng Chinese government, umabot na sa 560 ang kumpirmadong nasawi dahil sa naturang virus.
Maliban dito, pumalo na rin sa higit 28,000 ang naiulat na tinamaan ng virus kabilang na rin ang kaso sa higit 20 bansa na may kaso ng nCoV.
Samantala, ayon sa Health Ministry ng Japan, nadagdagan pa ng 10 katao ang kumpirmado sa coronavirus sa cruise ship na naka-quarantine ngayon sa Yokohama.
Dahil dito, umabot nasa 45 ang bilang ng kaso ng nCoV sa kanilang bansa.
Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan ang mga biktima kabilang na ang isang Pinoy na sakay ng cruise ship.
