International News
Bilang ng mga nasawi sa COVID-19, umakyat na sa 2,701
Umakyat na sa 2,701ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ay matapos madagdag ang mga bagong namatay mula sa Mainland China, South Korea, Italy at Iran.
Umaabot naman sa 8,150 ang bilang ng mga infected ng virus mula sa 29 na bansa.
Mula sa nasabing bilang, 9214 o 18% dito ang nasa kritikal na kondisyon, habang 40, 641 o 82 % ang nasa mild condition.
Umakyat naman sa 27,594 ang mga naka-recover matapos unang ma-detect ang COVID-19 sa Wuhan City, China.