National News
Bilang ng mga OFW, tumaas ng 2.16M noong 2023
Tumaas sa 2.16M ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa noong taong 2023.
Ito ay ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula noong Abril hanggang Setyembre 2023.
Mas mataas ito ng 9.8% kumpara sa naitalang 1.96M sa kaparehong panahon noong 2022.
Mula sa 2.16M OFWs, nasa 98.1% dito ay contract workers habang ang 1.9% ay full time na nagtatrabaho nang walang work visa at ang ginagamit ay tourist, student o medical visa.
Malaking bilang ng mga Pilipinong manggagawa ay naitala sa Asya na may 77.4% , at sinundan ito ng North at South America na may 9.8%.
8.4% naman ay sa Europa, 3% sa Australia at 1.3% sa Africa.
Ang nangungunang bansa na pinagtatrabahuan ng mga Pilipino ay ang Saudi Arabia na sinundan ng United Arab Emirates (UAE), habang ang Singapore naman ang may pinakamababang bilang ng OFWs.