Connect with us

Bilang ng mga paaralang apektado ng lindol sa Abra, patuloy na dumadami

Habang papalapit ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto, patuloy din na tumataas ang bilang ng mga eskwelahang nasira ng lindol sa Abra

National News

Bilang ng mga paaralang apektado ng lindol sa Abra, patuloy na dumadami

Habang papalapit ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto, patuloy din na tumataas ang bilang ng mga eskwelahang nasira ng lindol sa Abra at sa mga karatig lalawigan.

Batay sa pinakahuling update ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service, nasa 427 na paaralan ang napinsala kung saan may 1,271 silid-aralan ang bahagyang napinsala, habang 621 na silid-aralan ang lubusang napinsala ng pagyanig.

Naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang pinakamataas na bilang ng mga apektadong paaralan na may 382, kasunod ang Region I (Ilocos Region) na may 150 at region II (Cagayan Valley) na may 73 na apektadong paaralan.

Sa mga bilang ng mga apektadong paaralan, nasa higit 400 ang nasieang classroom sa Cordillera Administrative Region, 113 sa Ilocos Region at 27 sa Cagayan Valley.

Dahil dito, umakyat na sa P2.188 bilyon ang tinatayang halaga ng pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga silid-aralan at iba pang imprastrukturang napinsala ng lindol.

Magpapatayo ang mga temporary learning spaces ang DepEd sa mga lugar na apektado ng lindol upang hindi maantala ang pagbubukas ng klase sa mga apektadong lugar.

More in National News

Latest News

To Top