National News
Bilang ng mga pasahero sa PITX, nagsimula nang dumagsa ngayong araw
Iniulat ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ngayong Miyerkules, Araw ng Kagitingan o April 9, 2025 kumpara sa nakaraang taon.
Inaasahang lalo pa itong dadami habang mas papalapit pa ang Semana Santa.
Sa taya, maaaring aabot ang bilang ng pasahero ngayong taon sa 2.3-M o mas mataas kumpara sa 1.8-M noong nakaraang taon.
Sinasaklaw ng pagtataya ng bilang ng mga pasahero ang Araw ng Kagitingan hanggang sa pagkatapos ng Kuwaresma kung kailan bumabalik na ang mga biyahero mula sa mga probinsya.
