Connect with us

Bilang ng nagparehistro para sa 2025 midterm elections, umabot na sa mahigit 2.4-M

Bilang ng nagparehistro para sa 2025 midterm elections, umabot na sa mahigit 2.4-M

National News

Bilang ng nagparehistro para sa 2025 midterm elections, umabot na sa mahigit 2.4-M

Umabot na sa mahigit 2.4-M ang nagpatala o nagparehistro para makapagboto sa 2025 midterm elections.

Base sa datos ng Commission on Election (Comelec), ang pinakamalaking bilang ng mga bagong rehistrado ay galing sa Region IV-A kung saan nasa mahigit 454-K ang nagpatala.

Sinundan ito ng National Capital Region (NCR) na may mahigit 367-K registrants habang ang sumunod ay ang Region III na may mahigit 286-K ang mga bagong botante.

Sa kabuuang bilang ng mga nagparehistro, karamihan sa mga ito ay babae na nasa mahigit 1.2-M.

Una ng sinabi ng Comelec Chair Atty George Garcia, na maari pa nilang malagpasan ang 3-M na target na bagong botante para sa eleksyon.

Ang registration period ng Comelec ay sa Sept. 30 pa magtatapos.

More in National News

Latest News

To Top