COVID-19 UPDATES
Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa QC, umabot na sa 625 – DOH
Umabot na sa 625 ang nagpositibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City mula sa datos ng Department of Health (DOH).
Gayunpaman, sinabi ng QC Government na 563 sa confirmed cases ang may kumpletong address sa lungsod habang nasa 550 naman ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Nananatili naman sa 34 ang bilang ng mga nasawi at nasa 26 na ang nakarekober sa sakit.
Mayroon din ang lungsod ng 85 na patients under investigation (PUI) at 510 na patients under monitoring (PUM).
Samantala, isasailalim na rin sa extreme enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng barangay Commonwealth at Pansol.
Sa ngayon, nasa 31 ng barangay sa lungsod ang isinailalim sa EECQ.