International News
Bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa SoKor, pumalo na sa higit 1,100
Pumalo na sa 1146 ang bilang ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa South Korea.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng South Korean Government ang 169 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na magdamag.
Sa naturang bilang, 12 rito ang nasawi, 6 ang nasa kritikal na kondisyon at 22 ang naka rekober na.
Sa panibagong kaso, 134 dito ay naitala sa Daegu City na sentro ng COVID-19 outbreak sa naturang bansa.
Habang naitala naman ang iba pang kaso ng naturang virus sa Gyeonggi, Busan at Seoul.
Sa ngayon, umabot na ang global death toll sa naturang sakit sa 2,763 kung saan mayorya ng nasawi ay naitala sa Hubei province sa China.