Connect with us

Bilang ng OFW’s na nagpositibo sa COVID-19 mula sa 46 na bansa, umabot na sa higit 1,600

Umabot na sa 194, 252 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health.

National News

Bilang ng OFW’s na nagpositibo sa COVID-19 mula sa 46 na bansa, umabot na sa higit 1,600

Muling tumaas ang bilang ng nagpositibong overseas filipino workers sa COVID-19 matapos maitala ang 209 bagong kaso nito kahapon, Abril 28.

Ayon sa Department Of Foreign Affairs, umabot na sa 1,604 ang mga pinoy workers abroad ang tinamaan ng naturang sakit sa 46 na bansa.

Sa naturang datos, 996 dito ang patuloy na ginagamot sa iba’t ibang ospital habang 419 ang nakarekober o nakalabas ng ospital.

Naitala naman ang kabuuang 189 na OFW’s ang nasawi.

Samantala, nananatili pa ring may pinakamaraming sa Europa na umabot na sa 454 habang naitala naman sa America ang may pinaka maraming OFW na nasawi na umabot sa 107.

 

More in National News

Latest News

To Top