Connect with us

Bilang ng sunog na naitala sa bansa, bumaba dahil sa enhanced community quarantine

Bilang ng sunog na naitala sa bansa, bumaba dahil sa enhanced community quarantine

National News

Bilang ng sunog na naitala sa bansa, bumaba dahil sa enhanced community quarantine

Bumaba ang bilang ng naitalang sunog sa bansa sa unang 3 buwan kumpara sa kaparehong panahon noong 2019.

Ito ang inihayag ni Bureau of Fire Protection (BFP) Spokesperson Supt. Anna Lee Atienza sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya, tinatayang nasa humigit-kumulang 60% ang ibinababa ng fire incident sa bansa.

Isa naman aniya sa nakikita nitong dahilan ng pagbaba ng kaso ng sunog ang kasalukuyang umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Samantala, sa kabila ng mga paalala ng BFP katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay hindi pa rin maiiwasan ang pagkakaroon ng sunog dahil sa kapabayaan.

Sinabi naman ni Atienza na nananatiling nakaantabay ang kanilang mga bumbero sa buong bansa sa kabila ng banta ng COVID-19 upang bigyang serbisyo ang publiko.

More in National News

Latest News

To Top