Connect with us

Bilanggo at pekeng spokesperson ni president-elect Marcos, natunton ng NBI

Natukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang taong nagpapanggap na siya umano si Atty.Vic Rodriguez

National News

Bilanggo at pekeng spokesperson ni president-elect Marcos, natunton ng NBI

Natukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit ang taong nagpapanggap na siya umano si Atty.Vic Rodriguez na spokesperson ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang suspek na Ryan Ace Castillejos ay kasalukuyang nakabilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP).

Isinagawa ng NBI ang operasyon makaraang nagreklamo at humingi ng tulong ang tunay na si Rodriguez dahil ginagamit ang kanyang pangalan at pagkatao sa solicitation o pangongolekta ng pera sa pamamagitan ng social media.

Nabatid na hiningian ng suspek sina Rodriguez at Arsenio “boy” Evangelista ng tig-P120,000 bilang donasyon para umano sa mga biktima ng kalamidad.

Ang preso na si Castillejos na nagpapanggap bilang si OIC PNP Chief Vicente Danao Jr. at Luis Araneta Marcos na nakumpiskahan ng cellphone na ginagamit sa kanyang modus ay mahaharap ngayon sa kasong identity theft.

More in National News

Latest News

To Top