National News
Bilateral defense ng Pilipinas at Australia, nasa mataas na antas na – Australian Deputy PM
Inilarawan ni Australian Deputy Prime Minister at Defense Minister Richard Marles na nasa mataas ng antas ang relasyon ng seguridad sa pagitan ng Pilipinas at bansang Australia.
Ginawa ni Deputy Prime Minister Marles ang pahayag sa pagsisimula ng Philippine-Australia Defense Ministers Formal Bilateral Meeting kahapon, ika-2 ng Hunyo sa 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue.
Sa nasabing pulong, inalala nina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Minister Marles ang kanilang mga napag-usapan at pangako noong nakaraang buwan kasama ang ibang defense secretaries at ministers mula sa United States, Australia, Japan at Pilipinas na ginanap sa US Indo-Pacific Command Headquarters sa Hawaii.
Magugunitang ang 4 na bansa ay nangako na magtutulungan upang matiyak na maipatutupad ng maayos ang international laws sa karagatan.
