Connect with us

Bilyong piso, nakubra ng NPA sa ilang taong pangingikil – NICA

Umabot P5.4 bilyon ang nakubra umano ng New People's Army (NPA) sa extortion activities mula 2016 hanggang 2018.

National News

Bilyong piso, nakubra ng NPA sa ilang taong pangingikil – NICA

Umabot P5.4 bilyon ang nakubra umano ng New People’s Army (NPA) sa extortion activities mula 2016 hanggang 2018.

Ayon kay National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, pinakamalaking nakuha ng NPA ang mahigit P3 bilyon mula sa mining companies.

Habang P804.3 milyon ang nakuha ng NPA sa mga may-ari ng fishpond, P789.4 milyon sa construction companies, P319 milyon sa transport companies.

Nakakuha rin ang NPA ng P34.7 milyong  sa commercial establishments, P13.5 milyong sa Telecom companies at P155.5 milyong sa iba pang sektor.

Nagbigay din sa NPA ng P76.7 milyon ang ilang politiko at P121.5 milyon mula sa ilang mayamang indibidwal.

More in National News

Latest News

To Top