Connect with us

DILG, binatikos ang Anakpawis dahil sa paglabag sa ECQ

National News

DILG, binatikos ang Anakpawis dahil sa paglabag sa ECQ

Binatikos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang grupong Anakpawis dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at pagiging pasaway.

Ito ay matapos maaresto ang anim na miyembro nito na lumabag sa ‘stay at home policy,’ pagsagawa ng hindi otorisadong pagbyahe sa labas ng Metro Manila at tangkang pag-organisa ng isang mass gathering sa Norzagaray, Bulacan sa pamamagitan ng pagkukunwari na mamahagi ng relief goods.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, nilabag ng Anakpawis ang quarantine rules nang bumiyahe sila at inilagay sa panganib ang buhay ng mga residente ng Norzagaray.

Gumamit rin aniya ng hindi otorisadong food pass ang grupo na inilagay sa windshield ng kanilang jeepney at nag-name drop ng isang dating kongresista subalit nasabat sila sa checkpoint sa Bigte, Norzagaray, Bulacan.

Mahaharap naman aniya sa patong-patong na kaso ang mga naaresto.

Sinabi ni Malaya na itinurn-over na sa barangay kapitan ng Bigte ang 50 packs ng relief goods habang kinumpiska naman ang mga propaganda materials na nakumpiska sa mga suspek bilang ebidensya sa court proceedings.

More in National News

Latest News

To Top