National News
Bird flu, nakapasok na rin sa bansa ayon sa Department of Agriculture
Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nakapasok na rin sa bansa ang bird flu.
Sa press briefing, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar ang detection ng H5N6 Avian Influenza sa Barangay Ulanin-Pitak, Jaen, Nueva Ecija.
Ayon kay Dar, nasa 1,500 mula sa 15,000 na mga quail o pugo ang namatay sa isang farm sa Nueva Ecija noong Marso 9 at nagpositibo sa Avian Influenza.
Dahil dito, nasa 12,000 naman na pugo ang kailangang patayin o isailalim sa depopulate noong Sabado.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng mga protocol ang DA para mapigilan ang pagkalat ng Avian Influenza.