Connect with us

Biyahe mula at patungo Wuhan, China, sinuspinde ng CAB

Sinuspinde ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga byahe mula sa Wuhan, China patungo sa Pilipinas dahil sa misteroyosong pneumonia outbreak doon.

National News

Biyahe mula at patungo Wuhan, China, sinuspinde ng CAB

Sinuspinde ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga byahe mula sa Wuhan, China patungo sa Pilipinas dahil sa doon.

Sinabi ni CAB Dir. Carmelo Arcilla na 8 flights ang pumapasok sa bansa kada araw mula sa Wuhan at lumalapag ito sa iba’t-ibang paliparan sa Pilipinas, partikular sa Kalibo International Airport.

Naniniwala ang CAB na sa pamamagitan ng suspensyon ng mga byahe ay mababawasan ang posibilidad na makapasok sa Pilipinas ang mga nagtataglay ng coronavirus na nagmula sa Wuhan City.

Nilinaw ni Arcilla na pansamantala lang ang pagpapatupad ng suspensyon at maaari itong magbago, alinsunod sa payo ng mga eksperto.

Kahapon, isang eroplano pa mula wuhan ang lumapag sa kalibo airport lulan ang 135 pasahero ilang oras bago ang pagpapatupad ng lockdown sa naturang lugar.

More in National News

Latest News

To Top