National News
BJMP, sisiguraduhin ang medical assistance ng mga presong nakararanas ng sintomas ng COVID-19
Sisiguraduhin ng Bureau of Jail Management and Penology na may sapat na medical assistance ang mga nakakulong na nagpositibo sa .
Ayon kay BJMP chief jail director Allan Iral, bibigyan ng medical attention, suplay na pagkain at multivitamins ang mga ito kasama na rin ang ilang jail personnel na nakakaranas ng sintomas ng virus.
Ginawa ni iral ang pahayag matapos ang naging pagbisita nito sa Quezon City Jail Male Dormitory at COVID-19 isolation center noong Sabado.
Samantala, unti-unti namang bumubuti ang lagay ng mga presong nakakaranas ng lagnat, ubo at sipon at iba pang sintomas ng COVID-19.