Showbiz
Blackpink Jennie, magkakaroon ng solo single ngayong Oktubre
Ngayong Oktubre 2024 na muling magre-release ng solo single ang main rapper ng Blackpink na si Jennie.
Kasunod ito sa nilagdaang contract kamakailan ng Columbia Records at kanyang sariling talent agency na Odd Atelier.
Mapapansing maliban kay Jennie ay sa Columbia Records rin sina Beyonce, Harry styles at Adele.
Ito na muli ang solo music comeback ng rapper-singer matapos ang “You & Me” nya noong Oktubre 2023.
Sa kabila nito, bagamat hindi solo release ay may ilang kanta naman na featured si Jennie gaya ng “One of the Girls” kasama si Lily-Rose Depp at The Weeknd para sa HBO series na “The Idol”; “Slow Motion” kasama ang American singer na si Matt Champion; at “Spot!” kasama ang Korean rapper na si Zico.