Connect with us

Board resolution upang gawing pormal ang direktibang 24/7 Libreng Sakay, inilabas na – LTFRB

Board resolution upang gawing pormal ang direktibang 24/7 Libreng Sakay, inilabas na – LTFRB

National News

Board resolution upang gawing pormal ang direktibang 24/7 Libreng Sakay, inilabas na – LTFRB

Mas maagang ipatutupad ng Department of Transportation (DOTr) ang 24/7 na operasyon sa libreng sakay sa EDSA Busway simula sa araw ng Huwebes, Disyembre 1.

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Upang gawing pormal ang direktiba ng kalihim, nitong Martes ay naglabas ng board resolution ang LTFRB ukol dito.

Ayon kay Engineer Riza Paches, officer-in-charge ng LTFRB, ito ay upang pormal ang direktibang ito sa mga operator ng EDSA Busway na nasa ilalim din ng Service Contracting Program ng nasabing ahensya.

Dagdag ni Paches, malaking tulong ang 24/7 operations ng libreng sakay sa EDSA Busway sa mga nagtatrabaho sa mga BPO, call center, at mga empleyado ng mall na pinalawig din ang oras ng operasyon.

Pagtitiyak pa nito sa mga pasahero na ang carousel ay libreng masasakyan ng bente kwatro oras.

Matatandaan na noong August 16, 2022 ay nagdagdag ng P1.4 bilyong pondo ang Department of Budget and Managament (DBM) upang i-extend ang libreng sakay sa EDSA Busway at bilang suporta na rin sa implementasyon ng Service Contracting Program ng DOTr at LTFRB.

Paglilinaw ng LTFRB na hanggang ngayong taon na lamang ang libreng sakay dahil hindi na ito nabigyan ng pondo para sa 2023.

More in National News

Latest News

To Top