Connect with us

BOC, nakakolekta ng ₱78.9-B; target collection, muli na namang nalampasan ng ahensya

BOC, nakakolekta ng ₱78.9-B; target collection, muli na namang nalampasan ng ahensya

National News

BOC, nakakolekta ng ₱78.9-B; target collection, muli na namang nalampasan ng ahensya

Inihayag ni Bureau of Customs na nakalikom o kumita ito ng ₱78.9-B nitong Agosto base sa preliminary report mula sa Financial Service.

Ito aniya ay ₱20-B o 34.1% na mataas pa sa target na koleksyon nito na ₱58.8-B para sa naturang buwan.

Ang ₱77.9-B na koleksyon ng BOC ay mula sa lahat ng kanilang collection districts, ₱248.2-M mula sa Post Clearance Audit Group at ₱677.4-M mula sa Tax Expenditure Fund.

Dagdag pa ng ahensya na nalampasan ng 17 pantalan ang kanilang target collection at nakamit ang ₱15.8-B o 25% surplus dahil sa pinaigting na collection efforts sa ilalim ng bagong pamunuan.

Ito na ang ika-walong beses ngayong taong 2022 na nalampasan ng BOC ang kanilang target collection.

More in National News

Latest News

To Top