Connect with us

BOC, tiniyak ang mabilis na shipment ng mga PPE

BOC, tiniyak ang mabilis na shipment ng mga PPE

National News

BOC, tiniyak ang mabilis na shipment ng mga PPE

Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na hindi matatambak ang shipment ng mga personal protective equipment (PPE) at emergency medical supplies sa tanggapan nila.

Sa panayam ng SMNI News kay BOC Assistant Commissioner at Spokesperson Atty. Vincent Philip Maronilla, binigyang-diin nito na ini-expedite nila agad ang mga shipment para agarang magamit ng mga frontliners.

 “Hindi po ito napi-pending sa amin dahil mahigpit po ang utos ni Commissioner Guerrero na i-expedite ang release ng mga emergency supplies lalong-lalo na ang mga PPEs.

Everyday nag-update kami kung ilan na ang na-release namin, ilan ba yung pending.”

Nilinaw naman ni Maronilla, kung sakaling may kulang sa mga papeles ng mga importers at brokers, maaaring ihabol ito sa loob ng 45 araw para di na maantala pa ang pag-release ng mga shipment na kinakailangan sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“Yung mga kakulangang dokumento ng mga nagpaparating ng PPEs at other medical equipment at kahit ano pang essential dito sa paglaban natin sa COVID-19, pwede pong i-submit sa amin pagkatapos mai-release.

So kung ano yung hawak na mga dokumento ng ating mga importers at brokers, yun lang po muna ang pwede nilang gamitin para mailabas na ito at maproseso ang mga PPEs na iyan at iba pang medical equipment and emergency supplies.” – Atty. Vincent Phillip Maronilla

 

More in National News

Latest News

To Top