Showbiz
Bollywood actor na si Irrfan Khan, pumanaw na
Pumanaw na si bollywood actor na si Irrfan Khan, 53 sa Mumbai India dahil sa Colon Cancer.
Ito ay matapos naibalita na may Neuendocrine Tumor ito dalawang taon na ang nakalipas.
Ibig sabihin, mahabang panahon din itong nakipaglaban sa sakit bago nito tuluyang naulila ang kanyang asawa at dalawang anak.
Ayon sa report, isinugod sa ospital ang aktor noong ika-28 ng abril ngunit binawian din ito ng buhay kahapon.
Isa sa award winning na proyekto ng aktor ay ang Academy Award Best Picture Winner sa Slumdog Millioner at nakilala rin ito sa pelikulang jurassic world, ‘Life of Pi’ at The Amazing Spider-Man.