Connect with us

Bomb run, isinagawa ng AFP sa mga pinagkukutaan ng BIFF sa isang bayan sa Maguindanao

Maguindanao

Regional

Bomb run, isinagawa ng AFP sa mga pinagkukutaan ng BIFF sa isang bayan sa Maguindanao

Nagsagawa ng bomb run kaninang umaga ang Armed Forces Of The Philippines (AFP) sa mga lugar na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana, isinagawa ito sa bayan ng Datu Salibo sa mga lokasyon ng kalaban.

Nagtungo ang tropa ng pamahalaan sa lugar kung saan nagsagawa sila ng clearing operations.

Gayunman, ilan sa mga residente sa mga barangay ng Pindeten, Inaladan at Dabanayan ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sila sakaling magkasagupa ang militar at BIFF.

 

DZARNews

More in Regional

Latest News

To Top